Apat na katao, Huli sa Pagpupuslit ng mga Pinutol na iligal na Kahoy!

*San Agustin, Isabela-* Nahaharap ngayon sa Kasong Paglabag sa PD 705 o Paglabag sa Anti-illegal Logging Law ang apat na kalalakihan matapos masabat kagabi ang kanilang Isuzu Dump truck na naglalaman ng mga iligal na kahoy sa brgy. Mapalad, San Agustin, Isabela.

Kinilala ang mga nadakip na sina Randy Cariaga, trenta anyos, Jorlan Makahilig, bente uno anyos, Lolly Boy Mariano, bente sais anyos na pawang mga residente ng brgy. Fugu, Jones, Isabela at si Rolly Balanon, kwarentay dos anyos at residente ng Brgy. Dalibubun, Jones, Isabela.

Batay sa nakuhang inpormasyon ng RMN Cauayan, nadakip ang apat na kalalakihan sa isinagawang checkpoint ng mga otoridad matapos walang maipakitang dokumento sa mga pinutol na kahoy na umanoy nasa mahigit kumulang isang libong boardfeet ng lumbers na isinakay sa isang Isuzu Dump Truck.


Hawak na ng kapulisan ang apat na mga suspek na mahaharap sa kanilang kaukulang kaso habang dinala naman sa tamang kinauukulan ang nakumpiskang mga kahoy.

Facebook Comments