Apat na Katao na Wanted sa Batas, Natimbog sa Magkakahiwalay na Operasyon sa Lambak ng Cagayan!

*TUGUEGARAO CITY-* Natimbog sa magkakahiwalay na operasyon ng mga otoridad ang apat na indibidwal na may kasong kinasasangkutan matapos isilbi ang kanilang mga Warrant of Arrest na ipinalabas ng korte.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, Bagsak na sa kulungan sina Arjay Gumiran Apostol, trentay dos anyos, residente ng Brgy. Lusod, Maddela, Quirino at binatang si Mark Sarte Anthony ng brgy. Victory Norte, Santiago City dahil sa kasong Paglabag sa RA 9262 o Anti-violence against women and children act.

Nadakip naman sa Brgy Centro, Pamplona, Cagayan ng mga kasapi ng Pamplona Police Station at Regional Intelligence Unit 2 si Maria Cheryll Dela Cruz Flores, kwarentay sais anyos at residente rin ng nasabing barangay dahil sa kasong Estafa.


Natimbog rin ang binatang magsasaka na si Angelo Padua Ablang sa Brgy Ricarte Norte, Diffun, Quirino dahil sa kasong Pagpatay.

Sa ngayon ay nakapiit na sa mga himpilan ang mga nadakip na suspek na mahaharap sa kani-kanilang kaso.

Facebook Comments