APAT NA KATAO, TIMBOG SA SISON MATAPOS MAKIPAGHABULAN SA KAPULISAN DAHIL SA ILEGAL NA DROGA

Nalambat ng kapulisan ang apat na katao na sangkot sa ilegal na droga matapos ang habulan sa pagitan ng dalawang grupo, noong umaga ng Linggo, Pebrero 8, sa Brgy. Asan Sur, Sison, Pangasinan.

Ayon sa pulisya, nabisto ang mga suspek matapos makipagtransaksyon sa pagbebenta ng shabu sa kapulisan.

Nang makahalata, agad humarurot ang mga suspek sakay ng SUV, dahilan ng habulan.

Nahuli ang mga suspek matapos mawalan ng kontrol ang drayber sa kurbadang bahagi ng kalsada at bumangga sa konkretong bakod.

Nakumpiska ang humigit kumulang sampung gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱63,648 kabilang ang ₱31,000 na buy bust money at ilan pang drug paraphernalias.

Sumailalim sa kaukulang proseso ng batas ang mga suspek bago ilipat sa kustodiya ng Sison Municipal Station habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments