Nasa 85 tricycle mula sa apat na malalaking TODA sa Western Bicutan, Taguig ang nakabitan ng sticker ng DZXL Radyo Trabaho Pulso ng Metro (PNM) Team ngayong umaga.
Kabilang sa binisita ng PNM Team ang Sitio Sto. Niño Tenement Bliss Toda (SSNBTODA), Central Signal Tenement Toda (CSTTODA), Maharlika Tenement Toda (MTTODA) at Maharlika Signal Triumph Bicutan Toda (MSTBTODA).
Tulad ng ilang toda, hati ang bilang ng mga tricycle na pinapayagang bumiyahe bilang pagsunod sa safety at health protocols kontra COVID-19.
Hindi sapat ang kinikita, pero sabi ni ginoong Nestor Lumpot, Board Member ng SSNBTODA, napagkakasya nila ang hanggang P700 kita basta walang luho na kasama.
Nagpasalamat naman si Kapitan Pedrito Bermas ng Western Bicutan sa pamaskong handog ng DZXL Radyo Trabaho at PNM na noche buena gift packs.
Sunod na pupuntahan ng PNM Team ang Lower Bicutan para sa stickering campaign.