Nasagip ng Philippine Coast Guard ang apat na mangingisda makaraang tumaob ang sinasakyan nilang motorbanca sa carcar point sa Cebu.
Alas-9:22 ng umaga ng mamataan ng BRP Suluan ang mga mangingisda aa 9.2 nautical miles mula sa carcar point kung saan inabot sila ng halos labing dalawang oras na palutang-lutang sa dagat.
Nasa maayos naman na kalagayan ang apat na mangingisda na nakilalang sina Eric Campo, Hoven Gasalatan, Jonas Padillo at Jaypee Gasalatan.
Kwento ng mga mangignisda, papunta sana sila ng bohol para mamili ng isda nang makasalubong ang malakas na alon.
Matapos na dumaan sa medical check-up, nakauwi na din sa kani-kanilang pamilya ang mga mangingisda habang naibalik na din sa dalampasigan ang kanilang bangka.
Facebook Comments