Manila, Philippines – Sinibak na sa pwesto at pinakakasuhan na rin ni Northern Police District Director Chief Supt. Roberto Fajardo ang apat na miyembro ng Malabon City Police Drug Enforcement Unit.
Bunsod ito sa pagkaka-aresto sa apat na sinasabing sangkot sa mala Ninja Style na Kidnapping at Robbery Extortion.
Ayon kay Fajardo lumalabas sa imbestigasyon na isang alyas Norma ang pwersahang inaresto ng mga sampung kalalakihan na pawang nakasuot ng bonnet nuong Mayo a bente.
Ang mga naaresto ay sina
SP02 Ricky Pelicano , P02 Wilson Sanchez , P01 Joselito Ereneo at P01 Frances Camua.
Ayon kay alyas Norma ikinulong siya sa opisina ng Malabon Drug Enforcement Unit , at kinuha ang kanyang mga alahas, gadget at anim na libong pisong cash.
Hindi pa nakontento humingi pa umano ang grupong umaresto sa kanya ng limang milyong piso kapalit ng kanyang kalayaan.
Dagdag pa ni Fajardo na tinawagan pa umano ng grupong tumangay kay alyas Norma ang isang alyas Raymond na nakakulong sa Muntinlupa City Jail at ang sinasabing nobyo ni Norma para humingi ng dalawang milyong piso kapalit ng kanyang kalayaan.
Giit pa ni Fajardo na inoobliga rin ng grupo na makipagtransaksyon si alyas Norma sa kakontak nito na isang tsinoy para sa isang kilo ng shabu na kukunin sa isang hotel sa Quezon City.
Naaresto ang apat na pulis Malabon sa ikinasang entrapment operation ng ibat ibang Unit ng PNP pero atlarge pa ang anim na mga kasamahan nila na kinabibilangan ng PNP-Civil Security Group at PNP CIDG.
DZXL558, Silvestre Labay