Isang jeep, sumalpok sa isang pampasaherong bus sa QC

Manila, Philippines – Sumalpok ang isang pampasaherong jeep na may plakang TVM- 443 sa isang JFT Liner bus na may plaka namang TYR -620 dahil sa matinding buhos ng ulan kagabi sa kanto ng commonwealth Avenue at Laurel Street sa Brgy. Old Balara, Quezon City.

Ayon kay Ruben Kimpis Bus driver , huminto siya sa tabi ng kalsada dahil ilan sa kanyang pasahero ang bababa sa naturang lugar nang bigla siyang makarinig ng malakas na kalabog sa likurang bahagi ng kanyang minamanehong sasakyan.

Batay naman sa pahayag ni Traffic Sector 5 Traffic Investigator Jet Baquiran, posibleng nagulantang ang driver ng jeep sa biglaang paghinto ng bus at sa bilis na rin ng takbo nito na sinabayan pa ng dulas ng kalsada dahil sa lakas ng buhos ng ulan kagabi, hindi na kumapit ang preno na nauwi sa naturang aksidente.


Sa lakas ng impact ng salpukan nayupi na parang lata ang harapang bahagi ng jeep at likurang bahagi ng bus, mabuti na lamang umano, walang sakay at walang nakaupong pasahero sa driver side ng jeep kayat walang naitalang nasaktan o nasugatan sa aksidente.

Patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng tumakas na jeepney driver.
DZXL558, Silvestre Labay

Facebook Comments