Apat na miyembro ng gun for hire, patay sa engkwentro sa Pampanga

Manila, Philippines – Patay ang apat na miyembro ng gun for hire matapos na maka-engkwentro ng mga pulis sa Brgy. Pulgante, Apalit, Pampanga kaninang alas-3:00 ng madaling araw.

Ayon kay Sr. Supt. Edwin Quilates, Chief ng PNP CIDg region-3, agad silang naglagay ng mga checkpoint matapos silang makakuha ng impormasyon na may itutumbang negosyante ang mga suspek.

Galing ng Nueva Ecija ang mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklo ng maka-engkwentro nila ang pulisya.


Dagdag pa ni Sr. Supt. Quilates, hinihinalang mga miyembro ng “Basillo Gang” ang kanilang napatay na matagal ng nag-ooperate sa iba’t-ibang probinsiya na kanilang nasasakupan.

Na-recover mula sa apat ang tatlong kalibre 45 baril at isang 38 revolver kung saan inaalam na ngayon kung ano-anong mga insidente ng pagpatay ang kinasasangkutan ng mga suspek.

DZXL558

Facebook Comments