Manny Pacquiao, unti-unti ng bumibigat ang training ilang linggo bago ang laban kay Jeff Horn

Manila, Philippines – Unti-unti nang bumibigat ang ginagawang training ng pambasang kamao na si Manny Pacquiao.

Sa mga nakalipas na araw ay sunod-sunod na ang ginagaw anitong sparring session kung saan ayon kay Pacquiao, gumaganda na din ang kaniyang kondisyon pero marami pa rin ang dapat na gawing adjustment.

Matapos ang sparring sessions nagpatuloy si Pacquiao sa shadow boxing ng ilang rounds habang nakamasid si Coach Freddie Roach.


Sa mga susunod na araw ay asahan na may mabigat pang training ni Pacquiao ilang linggo bago ang natakda nitong laban kay Australian boxer Jeff Horn sa July 2.

DZXL558

Facebook Comments