15-anyos na binatilyo, arestado matapos magnakaw ng cellphone

Manila, Philippines – Arestado ang isang 15-anyos na binatilyo matapos nakawin ang cellphone ng isang babae na nagmagandang loob sa kaniya sa ParaƱaque City.

Sa ulat, lumapit ang binatilyong suspek sa biktima para mamalimos at nang umalis ito ay doon na napansin na nawawala na ang cellphone ng babae.

Matapos na mag-report sa barangay ang biktima kaaagd na nasakote ang binatilyo sa aguirre avenue, barangay bf homes kung saan todo hingi naman ito ng patawad sa nagawa.


Itinuro naman ng binatilyo ang taong pinagbentahan nito na si Sander Abgao na nasa drug watch list ng baranagay kayaā€™t madali itong natunton.

Itinanggi naman ni Abgao na inuutusan niya ang mga binatilyo na magnakaw pero nang kapkapan ito ay nakuha sa kaniya ang cellphone ng biktima at anim na sachet ng shabu.

Kasalukuyan naman nakakulong si Abgao habang itinurn-ove sa DSWD ang binatilyo.

DZXL558

Facebook Comments