APAT NA MULTI-PURPOSE DRYING PAVEMENTS NAKATAKDANG PROYEKTO PARA SA MGA MAGSASAKA SA BAYAN NG BAYAMBANG

Apat na multi-purpose drying pavement ang nakatakdang proyekto ng lokal na pamahalaan ng Bayambang para sa mga magsasaka ng mais at palay sa kanilang lugar.
Ang mga pavements na isasagawa ay para mabawasan na umano ang nagpapatuyo ng mga tanim na mais at palay na mga magsasaka sa national at barangay road kung saan maaaring maging sanhi ng peligro sa mga motorist at mga post-harvest loss dahil sa baba ng kalidad at itsura dahil ibinibilad ito sa hindi magandang lugar.
Makikinibang sa naturang proyekto ang mga barangay ng Brgy. Tampog, Manambong Sur, Pantol, at Mangayao.

Ito ay kasama sa sampung milyong grant na natanggap ng bayan mula sa Department of Agriculture para sa isang swine project at siyang bibili rin ng hauling service vehicle na isang 20-ft wing van.
Ang mga naturang proyektong nakalatag ay para matulungan ang mga magsasaka sa bayan na gustong makabenta ng mga produkto sa ibat ibag kadiwa retail stores na angkop ang presyo sa uri o kalidad ng kanilang mga produkto. |ifmnews
Facebook Comments