Apat na OFW mula Libya nakabalik na ng bansa, mga karanasan sa kaguluhan sa Libya, ibinahagi

Apat na overseas Filipino workers mula Libya ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport NAIA terminal 3.

 

Sinalubong sila ng kinatawan ng OWWA para alalayan sa kanilang mga dokumento palabas sa immigration counter sa paliparan.

 

Kwento ng 61-anyos na si Roberto Anoc na kasama sa apat na ofw na narepatriate ng pamahalaan. Marami daw mga pinoy sa Libya ang ayaw pang umuwi sa kabila ng naganap na kaguluhan dahil wala silang mapapasukang trabaho kapag nakabalik sa Pilipinas.


 

Karamihan sa mga boluntaryong umuwi ay mga may edad na at pinili nilang umuwi sa bansa para makasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

 

Iginiit din nila na inaasikaso naman daw sila ng pamahalaan maging ang iba pang mga Filipino sa Libya na naipit sa kaguluhan.

 

Maging ang mga hospital kung saan karamihan sa mga manggagawa ay mga pinoy ay tinatarget na rin umano ng airstrike pero inihayag nila na wala pa naman nadamay na mga Filipino sa naganap na bakbakan sa libya.

Facebook Comments