Apat na Overflow Bridges sa Isabela, Not Passable pa rin

23

Cauayan City, Isabela- Nananatiling ‘Not Passable’ sa lahat ng uri ng sasakyan ang apat na overflow bridges sa Lalawigan ng Isabela.

Sa pinakahuling monitoring ng Isabela Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) Isabela, hindi pa pwedeng daanan ang nasirang overflow bridge nag Turod-Banquero sa bayan ng Reina Mercedes; Cabagan-Sta Maria overflow bridge; Cansan-Bagutari overflow bridge na kumukonekta sa bayan ng Cabagan at Sto.Tomas; at ang Baculud overflow bridge sa Lungsod ng Ilagan.


Nagpapatuloy naman ang ginagawang pagbabantay ng kapulisan at iba pang nasa ahensya ng pamahalaan hindi malagay sa panganib ang sinumang magtatangkang tumawid.

Facebook Comments