iFM Laoag – Nahuli ang ang dalawang cargo shipping truck sa border control ng Ilocos Norte dahil sa mga pekeng COVID-19 antigen test results.
Ang mga ito ay nanggaling sa bayan ng Baggao at Claveria sa lalawigan ng Cagayan. Nakilala ang mga nagdala ng pekeng dokumento na sina; Benjamin Apay, Jr. at Benny Carlos na nagmula sa Bayan ng Baggao at pati narin sina; Felimon Mariano, Jr. at Reymante Tabalan na taga Claveria.
Ayun kay Ilocos Norte Border Chief Ryan Remigio ang apat na suspect ‘di umano ay nakakuha ng mga pekeng dokumento sa isang staff ng Rural Health Unit ng Sanchez Mira na siya namang iniimbestigahan ng PNP sa nasabing lugar. Ibinibenta di umano ng suspect ito sa halagang Php500.00.
Nakikipag ugnayan na ang PNP Pagudpud sa pamumuno ni Police Captain Eduardo Santos sa RHU Sanchez Mira sa pamumuno naman ni Dr. Vivien Cachapero. Ayun sa doktor, wala umano sa records ng kanilang himpilan ang mga pangalan ng mga suspect kaya inaalam na sa ngayon kung sino ang nagbibenta nito sa mga tao.
Ang sertipiko kasi ay may resulta, logo at lagda ng medtech at doktor – ngunit napag-alamang peke ang mga ito.
Haharap sa falsification of public documents ang apat na pahinante alinsunod sa Article 174 ng Revised Penal Code samantalang inaalam naman ngayon kung sino ang nagbenta sa kanila ng nasabing pekeng COVID-19 Antigen Test Results. — Bernard Ver, RMN News