Tinukoy ng Department of Health (DOH) ang apat na rehiyon na high-risk area sa COVID-19 dahil sa mataas na Average Daily Attack Rate (ADAR) at hospital bed occupancy.
Ayon kay Health Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman, nakatapagtala ang Region 6, 8, 11, at 12 ng mas mataas na ADAR kaysa sa seven cases per 100,000 population.
Sa Region 11, 71.43% ng hospital beds ang okupado na habang 86.22% ng Intensive Care Unit (ICU) beds ang nagagamit simula Hunyo 28.
Mataas din ang ICU utilization rate sa Region 6 na nasa 83.17% at Region 12 na nasa 74.29%.
Bagama’t ang ospital at ICU bed occupancy rates sa Region 8 ay nasa safe zone, nasa high-risk area pa rin ang ADAR nitong 7.05 cases per 100,000 population
Maliban dito, ang Caraga at Region 7 ay natukoy ring nasa moderate-risk areas dahil sa tumataas na ADAR o positive two-week case growth rate.