Manila, Philippines – Naaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration ang apat na South Korean Nationals na nagtangkang takasan ang kanilang criminal liabilities.
Kinilala ng Immigration Fugitive Search Unit ang mga naarestong pugante na sina Ryu Sunggon, Park Kyeol, Kim Myung Ryun at Song Jungrak na nakatira sa Parañaque City.
Ayon sa Immigration nasakote ang mga pugante dahil narin sa kooperasyon ng Korean National Police Agency at South Korean Embassy sa Maynila.
Nakatakda namang ipadeport ang 4 sa Seoul para kaharapin ang kanilang mga kasong may kaugnayan sa fraud at voice phishing.
Ang mga ito ay nakaditene pansamantala sa BI Warden Facility sa Bicutan, Taguig City.
DZXL558
Facebook Comments