Manila, Philippines – Iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na suspek mula sa kontrobersyal na Facebook group na ‘bible study ni pastor hokage’.
Ang nasabing group ay nagpapakalat ng mga malalaswang larawan at litrato ng mga babae.
Ayon kay NBI Cybercrime Division Atty. Francis Senora – nakakatanggap na sila ng reklamo mula sa ilang babae na nabiktima ng nasabing group.
Ang ilan sa mga ito, panakaw pang kinunan ng litrato ang maselang bahagi ng kanilang katawan at pinost sa group.
Iginiit ni Senora – may pananagutan ang mga nag-share o nagpapakalat ng mga pribadong litrato sa ilalim ng anti-photo at video voyeurism act na may parusang anim hanggang 12 taong (year) pagkakakulong.
Nakikipag-ugnayan na rin ang nbi sa Facebook para matukoy kung sino ang mga nasa likod ng nasabing group.