
Inaresto ng National Bureau of Investigation-Organized and Transnational Crimes Division (NBI-OTCD), ang apat katao sa Makati City dahil sa pagkakasangkot sa human trafficking.
Ayon sa NBI, nakatanggap sila ng report na ang Me Two Club (M2) sa Makati City ay sangkot sa human trafficking kung saan mahigit 100 mga babae ang biktima at ang ilan dito ay menor de edad.
Bunga nito, agad na nagsagawa ang NBI at ang ilang ahensya ng pamahalaan ng entrapment at rescue operations kung saan nahuli ang mga suspek.
Ang mga nasagip na kababaihan ay nasa pangangalaga na ng social workers.
Facebook Comments