Usec. Paul Mercado, itinalagang OIC ng DICT

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Usec. Paul Mercado bilang Officer-in-Charge (OIC) ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Si Mercado ang pansamantalang mamamahala sa ahensya kasunod ng pagbibitiw ni former DICT Secretary Ivan John Uy.

Siya ang kasalukuyang Undersecretary for Special Concerns ng DICT.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na magtatalaga muna si Pangulong Marcos ng OIC sa DICT upang mapunan ang posisyon hanggang sa makapili ng bagong kalihim.

Samantala, hanggang sa ngayon ay hindi pa inasapubliko ng Palasyo ang dahilan ng pagbibitiw ni Uy sa gabinete ni PBBM.

Facebook Comments