Apat patay sa pananalasa ng Bagyong Rolly sa Albay

Umakyat na sa apat ang bilang ng casualty sa Albay province.

Ayon kay Albay Governor Al Francis Bichara, tatlo sa nasawi ay may kaugnayan sa pagkalunod habang ang isa ay nadaganan ng malaking punong-kahoy.

Isa aniya sa mga biktima ay edad limang taong gulang.


Nagpapatuloy naman ang clearing operations sa mga kalsada papuntang Tiwi.

Sa kasalukuyan, ibinaba na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang lalawigan ng Albay.

Facebook Comments