Umano’y planong pagpapatalsik ng mga Duterte kay Pangulong Marcos, fake news ayon kay ex-Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo

Tinawag na “walang kwenta” ni dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo ang pahayag ni Dating Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV tungkol sa umano’y plano ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na patalsikin sa pwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Panelo, nonsense ang naturang pahayag at wala itong katotohanan.

Parte lamang aniya ito ng publicity ni Trillanes dahil “irrelevant” na aniya ang dating senador sa larangan ng pulitika.


Sira na aniya ang reputasyon ni Trillanes lalo na kung pagbabasehan pa ang mga nakaraang maling gawain nito bilang isang militar at public official.

Matatandaang sinabi ni Trillanes na patuloy ang pagkilos ng kampo ni Duterte para makabalik sa kapangyarihan dahil sa oras aniya na mapatalsik si Pangulong Marcos ay papalit sa pwesto ang kaniyang anak na si Vice President Sara Duterte.

Facebook Comments