APEC SUMMIT | PRRD, haharap sa mga negosyante ngayong araw

Papua New Guinea – Matapos dumalo sa 33rd Association of Southeast Asian Nation o ASEAN Summit sa Singapore ay nakarating na si Pangulong Rodrigo Duterte sa Papua New Guinea para sa kanyang pagdalo sa 19th Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Summit.

Kaninang 6:00 ng umaga dumating ang Pangulo sa Papua New Guinea kasama ang kanyang delegasyon kung saan kabilang sa mga inaasahang aktibidad ng Pangulo ngayon ay ang kanyang pagharap sa mga negosyante sa gaganaping summit of chief Executive Officer of the APEC Business Advisory Council o ABAC.

Haharapin din naman ni Pangulong Duterte ang Filipino Community sa Papua New Guinea na hindi naman nagawa ng Pangulo sa Singapore dahil sa higpit ng kanyang schedule para sa ASEAN.


Wala pa namang nababanggit ang Malacañang kung mayroon o kung ilang bilateral meeting ang dadaluhan ng Pangulo.

Facebook Comments