Mas dumami pa ang bilang ng mga apektado ng pagaalburuto ng bulkang taal sa lalawigan ng Batangas at Cavite.
Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) mula sa mahigit 40 na libong indibidwal na naitalang apektado kahapon.
Umaabot na ito ngayon sa mahigit 44 na libong indibidwal, sa bilang na ito mahigit 40,000 ay nanatili ngayon sa 189 evacuation centers.
Sa kanilang monitoring wala pa ring supply ng kuryente sa halos lahat ng bayan ng Batangas, ilang bayan sa Cavite at dalawang bayan sa laguna ito ay ang Calamba at Cabuyao.
Nanatili naman sa mahigit 74,000 pisong halaga ang mga nasirang mga tanim na mais, kape at mga livestock sa Batangas at Cavite.
Sa ngayon tuloy ang monitoring ng NDRRMC sa Batangas at Cavite na lubhang apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.