164,877 families o katumbas ng 556,823 indibidwal ang naapektuhan ng patuloy na pag-ulan dulot ng habagat sa Region 3, MIMAROPA at National Capital Region (NCR).
Ito ay batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC as of July 30, 2021.
Sa kanilang monitoring, ang mga pamilyang ito ay nakatira sa 321 barangay sa Region 3, MIMAROPA at NCR.
2,517 na mga pamilyang apektado ay nananatili ngayon sa 138 na evacuation centers habang 25,094 families ay nakitira sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan matapos na lubhang maapektuhan ng sama ng panahon.
Batay pa sa monitoring ng NDRRMC, nagdeklara na ng state of calamity ang mga bayan ng Masantol at Macabebe sa Pampanga.
Nagpapatuloy naman ang monitoring ng NDRRMC sa mga lugar na patuloy na nakakaranas ng sama ng panahon dulot ng habagat.