Sapat na ayuda para sa mga apektado ng ECQ, dapat agad maibigay

53

Iginiit ni Senator Grace Poe na habang prinoprotektahan ang mamamayan sa COVID-19 ay dapat protektahan din ang mga ito laban sa gutom.

Dahil dito ay nanawagan si Poe sa pamahalaan na tiyaking sapat at agad maibibigay ang ayuda at iba pang tulong sa mga maaapektuhan ng dalawang linggo na Enhanced Community Quarantine o ECQ.


Paliwanag ni Poe, ito ay para mawalan ng dahilan ang mga nasa ilalim ng ECQ na lumabas ng kanilang tahanan at harapin ang panganib na mahawa ng delikadong COVID-19 Delta variant.

Umaasa rin si Poe na kasabay ng ECQ ay mas pag-iibayuhin din ang pagkilos para mabakunahan ang mas maraming Pilipino.

Facebook Comments