Handa ang Inter-Agency Task Force (IATF) na pakinggan ang apela ng ilang probinsya sa bansa kaugnay sa pagsasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) at General Community Quarantine (GCQ).
Ito ay kahit pa inamyendahan na ng IATF ang Resolution no. 35 na nagsasabing simula bukas, Mayo 16, 2020, ang mga probinsya na Highly Urbanized Cities at Independent Component Cities na classified as low-risk areas ay mapapasailalim pa rin sa GCQ at mananatiling Modified ECQ ang Metro Manila, Laguna at Cebu City.
Sa interview ng RMN Manila kay Presidential Spokesman Harry Roque, sinabi nito na nagkaroon na ng validation sa mga lugar sa bansa kung saan ngayong araw ay pagdi-desisyunan ng IATF ang mga apela ng ilang probinsya na nais mailagay sa Modified ECQ at GCQ.
Una nang hiniling ng probinsya ng Bataan at Bulacan sa IATF na imbes na sa GCQ ay isailalim sa sila sa MECQ dahil na rin sa mataas na kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.