Apela ni Sen. Jinggoy Estrada na i-dismiss ang kinakaharap niyang kasong katiwalian, hindi kinatigan ng Sandiganbayan

Ibinasura ng Sandiganbayan ang apela ni Sen. Jinggoy Estrada na ipawalang bisa ang kasong graft na isinampa laban sa kaniya na may kaugnayan sa pork barrel scam.

Sa desisyon ng anti-graft court, kumbinsido ang Sandiganbayan na ibinulsa ni Estrada ang kaniyang PDAF o Priority Development Assistance Fund na nakalaan sa mga agricultural at livelihood programs.

Base sa testimonya ng mga testigo, kumbinsido rin ang korte na nakatanggap ng kickback ang senador mula kay Janet Lim Napoles.


Nakasaad rin sa resolusyon na hindi kumbinsido ang anti-graft court sa depensa ni Estrada na ang mga daily disbursement reports (DDR) ni Benhur Luy ay hindi kapani-paniwala o unreliable dahil mga print outs lang ang mga ito na madaling mamanipula.

Inihain ang kasong graft laban kay Estrada matapos makatanggap ng P183 million na kickback mula sa mga pekeng proyekto at pakikipagsabwatan kay Napoles.

Facebook Comments