Wednesday, March 25, 2026

APLIKASYON PARA SA JOBSTART PROGRAM NG ALAMINOS CITY, NAGPAPATULOY

Patuloy pagtanggap ng aplikasyon sa JobStart Traineeship Program ng Alaminos City para sa mga kabataang naghahanap ng pagkakataong magkaroon ng karanasan at kaalaman sa trabaho. Layunin ng programa na matulungan ang mga kabataang residente na magsimula ng makabuluhang karera sa kanilang unang hakbang sa mundo ng trabaho.

Ayon sa programa, kwalipikado ang mga rehistradong residente ng Alaminos City na Pilipino ang mamamayan, nasa edad 18 hanggang 24 taon, nakapagtapos ng kahit hanggang high school, may 0–12 buwan na karanasan sa trabaho, kasalukuyang walang trabaho o hindi naka-enroll sa paaralan o anumang training program, at hindi pa nakalahok sa JobStart Philippines Program.

Kinakailangan sa aplikasyon ang resume, kopya ng Birth Certificate, diploma o Transcript of Records mula sa High School o Kolehiyo, mga training certificates kung mayroon, at employment certificate kung mayroon. Maaaring isumite ang mga dokumento sa Public Employment Service Office, City Hall Annex Building (dating Legislative Building). Hinihikayat ang lahat ng kwalipikadong kabataan na samantalahin ang pagkakataong ito upang magkaroon ng gabay at suporta sa kanilang unang hakbang sa trabaho.

Sa kasalukuyan, mayroon pang 28 slots na bakante para sa mga nais maging JobStart Trainees. Ipagmadali ang pagsusumite ng mga kinakailangang dokumento upang makasali sa programa at simulan ang pagbuo ng isang matagumpay na karera. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments