APO NI APO WHANG OD AT BUSCALAN MAMBABATOK ARTIST HATID AY TRADITIONAL HAND TAPPED TATTOO EXPERIENCE SA MGA TATTOO ART LOVER SA PANGASINAN

Ikaw ba ay mahilig sa art specifically a tattoo art? Huwag palampasin ang pagkakataong magpa-tattoo sa apo ni Apo Whang Od at ng ilan sa mga Buscalan Mambabatok artist!
Kung ikaw ay tattoo lover at ayaw mong mapalampas na magpatattoo sa apo ng kilalang manbabatok sa Pilipinas, maaring kang lumahok at sumama sa traditional hand taped tattoo experience 9AM onwards sa darating na Setyembre 23 at 24, araw ng Sabado at Linggo sa Naro Café, Lingayen Beach Baywalk.
Sa halagang isang daang piso para sa reservation fee, maari ka ng makasama sa isa sa mga kapanapanabik na kaganapan at para sa ibang detalye tulad ng reservation at iba pang concern, magmensahe lamang sa nabanggit na café.

Kaya ano pang hinihintay niyo! Hindi mo na kailangan pang lumuwas at dumayo para sa remarkable tattoo experience ng mga kilalang mambabatok dahil mismong sila na ang dadayo sa ating probinsya! |ifmnews
Facebook Comments