
Patuloy na ipinapaabot sa mga barangay ng Dagupan City ang mga programang ‘Apple of my Eye’ at ‘Goodbye Gutom’, na bahagi ng inisyatibo ng lokal na pamahalaan na inilunsad noong 2023 bilang tugon sa Zero Hunger, isa sa 17 Sustainable Development Goals (SDGs) ng United Nations.
Kaninang umaga, idinaos ang programa sa Tambac Riles, kung saan handog ang mansanas at fried chicken at kanin.
Kasama ang City Nutrition Office na umiikot sa 31 barangays upang dalhin ang mga programang ito, na naglalayong itaguyod ang tamang pagkain at masustansyang diyeta sa mga residente.
Ayon sa direktiba ng alkalde, patuloy na dinadala ang mga programa sa lahat ng barangays upang mas maraming residente ang makinabang at mas mapalaganap ang kamalayan sa wastong nutrisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









