Apprehension order ng LTFRB, iaapela ng Transport Network Vehicle Services

Manila, Philippines – Iaapela ng Transport Network Company na Grab at Uber ang apprehension order Land Transportation and Franchising Regulatory Board na itinakda sa Hulyo 26.

Ito ang napag-kasunduan nina Senators Grace Poe at JV Ejercito, Chairperson at Vice-Chairman ng senate public services committee sa isinagawang closed-door meeting ng LTFRB, Grab at Uber kahapon.

Ayon kay Poe, sa oras na matanggap ang motion for reconsideration ay titingnan ito ng LTFRB at habang sumasailalim sa deliberasyon ay magpapatuloy ang serbisyo ng mga TNVS.


Dahil dito, hindi muna manghuhuli ang ahensya ng mga Uber at Grab car na wala pang kaukulang permit.

Bagaman nasa kamay na ng Grab at Uber kung kailan magsusumite ng MR mas mahalaga anila ay hindi maantala ang kanilang serbisyo sa gitna ng nararanasang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Facebook Comments