Nananatiling mataas ang approval rating ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Base sa survey ng Pulse Asia noong Hunyo, si Pangulong Duterte ang nakakuha ng pinakamataas na approval rating na 82 percent sa lahat ng opisyal ng gobyerno.
Ibig sabihin, walo sa kada-sampung Pilipino ay aprubado ang trabaho ng Pangulo.
Nakuha ni duterte ang pinakamataas na approval rating sa mindanao (95%) na sinundan ng NCR (80%) at Luzon (75%).
Bumaba naman ng dalawang porsiyento ang approval rating nito sa Visayas mula sa dating 86 percent noong Marso.
Samantala, bumabawi din sa approval rating si Vice President Leni Robredo.
Mula sa 58 percent noong Marso, umakyat sa 61 percent o anim sa kada-sampung Pilipino ang kontento sa kanyang pagta-trabaho.
Ikinatuwa naman ito ng kampo ni Robredo at nangakong mas pagbubutihan pa ang pagbibigay-serbisyo sa publiko.