19 na barangay sa Marikina at Rizal – sampung oras na mawawalan ng tubig sa Miyerkules

94

Manila, Philippines – Labing-siyam (19) na barangay sa Marikina at Rizal ang makararanas ng sampung oras na water interruption ngayong Linggo.

Kasunod ito ng gagawing repair ng Manila Water sa Becco Creek sa Rodriguez Rizal na magsisimula alas otso nang gabi ng Miyerkules, July 19 hanggang alas sais nang umaga ng Huwebes, July 20.

Kabilang sa maaapektuhan ng water interruption ang mga barangay ng Ampid 1, Ampid 2, Banaba, Burgos, Dulong Bayan 1, Dulong Bayan 2, Guinayang, Guitnang Bayan 1, Guitnang Bayan 2, Malanday, Maly, Manggahan at Sta.Ana sa San Mateo Rizal.

Apektado naman sa Rodriguez ang Barangay Balite, Geronimo, Manggahan, Rosario, San Isidro at San Rafael habang barangay parang sa Marikina City.

Mahigit 50-libong kabahayan ang inaasahang maaapektuhan ng water interruption.

Facebook Comments