Amerika – Bumagsak sa 36 percent ang approval rating ni US President Donald Trump.
Lumalabas na 55 percent sa mga sumagot ng survey ang hindi sang-ayon sa mga programang inilatag ni Trump.
Ilan sa naging basehan sa pagbaba ng kaniyang rating ay ang pinapatupad Health Care Program gayundin ang patuloy na imbestigasyon sa pangingialam ng russia sa nakaraang halalan.
Ito na ang pinakamababang approval ratings na nakuha ng isang Pangulo sa loob ng anim na buwan sa nakalipas na 70 taon.
Facebook Comments