Manila, Philippines – Aprubado na sa plenaryo ang Department of Disaster Resilience.
Sa Viva Voce sa Kamara ay nakalusot sa ikalawang pagbasa sa plenaryo ang House Bill 8165.
Layunin nito na magkaroon ng ahensya na tututok sa disaster management, resilience, preparedness at rehabilitation.
Bubuwagin ang National Disaster Risk Reduction and Management Council AT papalitan ito ng Department of Disaster Relience Council na magsisilbing policy-making at advisory body sa mga usapin tungkol sa disaster risk reduction and management at climate change adaptation.
Ang DDR ang pangunahing ahensiya na responsable sa disaster preparedness, prevention, mitigation, response, recovery at rehabilitation.
Ipapasailalim din sa DDR ang bureau of fire protection, health emergency management bureau habang magiging attached agency din ng DDR ang PAGASA at Philvolcs.