APRUBADO | Mga kasaling team sa sunod na conference ng MPBL, nadagdagan

Umabot na sa 20 teams ang kasali sa susunod na conference ng Maharlika Pilipinas Basketball (MPBL).

Ito ay matapos na aprubahan ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes ang pagsali ng Marikina, Mandaluyong at Pasay.

Dahil dito, hindi muna sila tatanggap ng ilang interesadong teams na galing sa Luzon.
Pero, patuloy pa rin silang tumatanggap ng mga aplikante galing sa Visayas at Mindanao.


Facebook Comments