FIRST TIME | Moira Dela Torre, ibinahagi ang “bittersweet” reunion nila ng kanyang ama

Amerika – Sa kauna-unahang pagkakataon, ibinahagi ng singer na si Moira dela Torre ang aniya ay bittersweet reunion niya sa kanyang ama na 12 taon niyang hindi nakasama.

Buwan ng Agosto nang binisita ng “Malaya” singer ang kanyang ama sa San Francisco.

Sa instagram post ni Moira, naikwento niya ang pagkakaroon niya ng broken family kung saan muntik pa nga raw siyang dukutin ng kanyang ama matapos na manalo ang kanyang ina sa custody rights.


Nagtago pa nga raw sila sa Olongapo City para lang maprotektahan.

Pero ngayon, the feeling is “surreal” ika nga dahil nalampasan ng kanyang pamilya ang aniya ay sugat ng nakaraan.

Facebook Comments