Manila, Philippines – Aprubado na sa ikatlo’t huling pagbasa ng Senado ang panukalang batas na magpo-protekta sa mga kababaihan laban sa catcalling at iba pang uri ng harassment sa kalsada.
Sa ilalim ng Senate Bill 1326 o Safe Streets and Public Spaces Act of 2017, papanagutin ang sinumang mambabastos.
Kabilang na rito ang pagsipol, pagmumura, pagtitig sa malaswang paraan at paghihipo.
May parusa rin sa mga mangungulit na kuhanin ang numero o pangalan.
Ayon kay senadora Risa Hontiveros, may akda ng panukala – malaki itong hakbang kontra sexism.
Kapag naisabatas na ay makatutulong ito na gawing ligtas ang kalsada para sa mga kababaihan.
Facebook Comments