DUMEPENSA | Mocha Uson, itinangging sinibak siya ni PRRD

Manila, Philippines – Pinalagan ni dating PCOO Assistant Secretary Mocha Uson sa alegasyong sinibak siya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Galing sa isang source mula Malacañang, tinanggal sa pwesto si Uson.

Pero itinanggi ito ng dating opisyal.


Hamon ngayon ni Uson – ilabas kung sino ang naglabas ng ulat.

Iginiit din ng dating assistant secretary na paninirang puri ito.

Noong nakaraang linggo nang ianunsyo ni Uson ang pagbibitiw.

Facebook Comments