APRUBADO | Panukalang supplemental budget para sa mga nabakunahan ng Dengvaxia, lusot sa pinal na pagbasa ng Senado

Manila, Philippines – Aprubado na sa ikatlo’t huling pagbasa ng Senado ang panukalang ₱1.16 billion supplemental budget para sa mga biktima ng Dengvaxia immunization program.

Matatandaang sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala.

Ang ₱1.16 billion ay refund ng Philippine government mula sa manufacturer ng anti-dengue vaccine na Sanofi Pasteur.


Base sa proposal ng Department of Health (DOH), ang pondo ay gagamitin para sa medical assistance program lalo na sa pagpapamot ng mga naturukan ng Dengvaxia, mapa-outpatient man o hindi.

Magagamit din ang pondo para sa assessment at monitoring ng Dengvaxia vaccines, supplies, medisina at para sa human resource deployment.

Ayon kay Senadora Loren Legarda, chairperson ng senate finance committee – ang Dengvaxia ay hangad na mabawasan ang dengue incidents sa bansa pero sa kasamaang palad ay hindi naabisuhan ang publiko sa peligrong maidudulot nito sa kalusugan.

Umaasa ang senador na ang health assistance program ay hindi pa huli para tiyakin ang ligtas at maayos na kalusugan ng mga bata.

Facebook Comments