Manila, Philippines – Pasado na sa plenaryo ng Kamara ang Traffic Crisis Act na naglalayong maglatag ng solusyon sa problema sa trapiko sa bansa.
Matapos ang mahigit isang taon na hindi ito naaksyunan ay nailusot na rin sa 2nd reading ang House Bill 6425.
Sa ilalim ng probisyon ng Traffic Crisis Act, wala nang probisyon na bigyan ng emergency power si Pangulong Rodrigo Duterte.
Itatalaga ang kalihim ng Department of Transportation (DOTr) bilang traffic czar na mangangasiwa sa mga tanggapang may kaugnayan sa traffic at land transport.
Nakatutok ang panukala sa mga syudad na may mabibigat na problema sa traffic katulad ng Manila, Cebu at Davao City.
Bubuo at magpapatupad ang pamahalaan ng traffic management plan at route rationalization scheme.
Itinatakda din sa panukala na pabilisin ang implementasyon ng mga infrastructure projects at hindi ito maaaring i-TRO ng Korte Suprema.