Aquino sisters, wala pang abiso kung kailan dadalaw sa Manila Memorial Park

Wala pang abiso ang Aquino sisters kung kailan sila dadalaw sa puntod ng dating Pangulong Cory Aquino, dating Pangulong Noynoy Aquino at dating Senador Ninoy Aquino sa Manila Memorial Park sa Sucat, ParaƱaque.

Ayon sa pamunuan ng sementeryo, wala pang nakikipag-ugnayan sa kanila mula sa pamilya ng mga Aquino.

Samantala, sa ngayon, umaabot na sa 35,000 ang mga bisitang pumasok sa Manila Memorial Park mula kaninang umaga.


Inaasahan naman na mas dadagsa ang mga bisita sa sementeryo bukas, November 1.

Ngayong gabi naman ang simula ng pagpapahintulot sa mga bisita na mag-overnight sa loob ng Manila Memorial Park.

Facebook Comments