Araw ng Digos, idineklarang holiday ng Malacañang

Walang pasok sa pribado at pampublikong sektor sa Digos City, Davao del Sur sa Setyembre 8 ngayong taon.

Batay ito sa Proclamation No. 329 na nilagdaan ni Executive Sec. Lucas Bersamin nitong August 29 pero ngayon lamang isinapubliko ng Malacañang.

Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Setyembre 8 bilang special non-working day para bigyang daan ang selebrasyon ng founding anniversary ng lungsod o Araw ng Digos.


Sa ganitong paraan, ayon sa Malacañang ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan ng Digos na makibahagi at makiisa sa pagdiriwang ng nasabing okasyon.

Facebook Comments