Pasok sa ilang tanggapan ng COMELEC, sinuspinde na

Sinuspinde na rin ng Commision on Elections (COMELEC) ang pasok ng kanilang mga empleyado.

Maging ang pasok sa lahat ng opisina o tanggapan ng COMELEC sa National Capital Region (NCR) ay suspendido na rin.

Gayundin sa probinsya ng Cagayan at Ilocos Norte.


Ito’y dahil sa mga pagbaha na nararanasan bunsod ng malakas na ulan sa buong Metro Manila at sa kalapit na lalawigan.

Maging ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ay sinuspinde na rin sa mga nabanggit na lugar.

Sa naging mensahe ni COMELEC Chairman George Garcia, dahil sa suspension ay kanilang palalawigin ang petsa ng paghahain ng COCs hanggang Linggo (Sept. 3, 2023).

Facebook Comments