Araw ng Kalayaan, Masayang Ginunita ng mga Cauayenos!

Cauayan City, Isabela- Pinangunahan ni Major General Perfecto Rimando Jr., ang Commanding General ng 5th Infantry Division ang paggunita sa ika-isangdaan at dalawampung araw ng kalayaan dito sa lungsod ng Cauayan na may temang, “Kalayaan 2018: *Pagbabagong Ipinaglaban, Alay sa Masaganang Kinabukasan.”*

Sa naging talumpati ni Major General Rimando Jr. bilang pangunahing tagapagsalita ay kanyang tinalakay kung paano nakamit ng ating bansa ang kasarinlan mula sa kamay ng mga dayuhan.

Naging sentro rin sa kanyang pananalita ang mga kabataan kung saan pinayuhan niya ang mga ito na mag-aral ng mabuti maging ang taumbayan na maging responsable, maging magalang sa kapwa at magkaroon ng disiplina.


Samantala, bilang bahagi sa naturang selebrasyon ay pinarangalan ng mga panauhin ang tatlong centenarian ditto sa lungsod ng Cauayan sina Jose Somera ng Brgy. Villa Luna, Cauayan City, isangdaang taong gulang, ang isangdaan at isang taong gulang na si Dominga Montalban Mallabo ng Brgy District 3, at si Geronima Ballesteros ng Brgy. Tagaran na isang daan at limang taong gulang na ngayon.

Pinarangalan din sa naturang pagdiriwang ang mga pumasa sa Bar Exam noong nakaraang taon na sina Atty. Catherine Fronda, Atty. Fermina Carmen Agudo, at si Atty. Lilian Reyes dahil sa kanilang pagtitiyaga upang makamit ang pagiging abogado.

Facebook Comments