INALMAHAN | Sunod-sunod na kaso ng pagpatay sa mga pari, kinondena ng liderato ng LP

370

Manila, Philippines- Mariing kinondena ni Liberal Party o LP President Senator Kiko Pangilinan, ang mga kaso ng pagpaslang sa ilang pari.

Pinakahuli sa mga biktima ay si Father Richmond Nilo, na pinatay sa may altar ng chapel ng Barangay Mayamot, Zaragosa Town, Nueva Ecija, habang sya ay naghahandang magmisa.

Apela ni Pangilinan sa mga otoridad, hulihin ang mga maysala, lalung-lalo na ang mga mastermind sa mga krimen laban sa mga taong simbahan.

Tanong ni Pangilinan, nasaan ang ipinangakong peace and order, kaayusan at katarungan?

Sa nakikita ni Pangilinan, parang may pattern ng pagpatay sa mga tumutulong sa mga mahihirap, at parang lumalala ang problema ng panlipunang kapayapaan.

Facebook Comments