Naglabas ng mensahe si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas para sa darating na May 13 midterm elections.
Ito ay isang araw bago ang Ash Wednesday na pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma sa simbahang Katoliko.
Sa isang video, hinimok ni Villegas ang publiko na huwag ipagkanulo ang Diyos at ikaila ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng kanilang boto.
Ang video ay tumagal ng walong minuto at naglalaman ng mga naging banat ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa simbahang Katoliko at sa mga obispo.
Gumamit rin si Villegas ng mga bible verses habang nagtapos ang video sa pamamagitan ng movie clips na nagpapakita sa paghihirap ni Hesukristo sa kalbaryo.
Facebook Comments