Archdiocese of Manila, magsasagawa ng 9-day preparation para sa nalalapit na installation ni Cardinal Advincula

Hinimok ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang mga Katoliko sa Archdiocese of Manila na magsagawa ng siyam na araw na preparasyon sa nalalapit na installation ng bagong Arsobispo ng Maynila.

Sa kaniyang inilabas na Pastoral Instruction, nakasaad ang tatlong elementong sentro ng magiging novena.

Ang panalangin, katekismo at ang pagtulong sa kapwa kung saan mamamahagi naman ang social service and development ministry ng simbahan na Caritas Manila ng ₱50 million halaga ng food bags at gift certificates sa mga nangangailangan.


Ayon kay Bishop Pabillo, ito ang mga paraan upang pasalamatan ang Diyos sa pagkakaroon ng bagong Arsobispo ng Archdiocese of Manila.

Samantala, gaganapin ang installation ni Cardinal Jose Advincula sa Manila Cathedral kasabay ng ika-450 anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod ng Maynila.

Facebook Comments