Cauayan City, Isabela- Patuloy ang ginawang pakikipag-ugnayan ng COMELEC Region 2 sa Armed Forces of the Philippines at sa Philippine National Police para matutukan at mabantayan ang mga lugar sa Lambak ng Cagayan na maituturing na areas of concern sa darating na halalan sa Mayo.
Ayon kay Regional Director Atty. Julius Torres, may mga lugar kasi na kailangang mabantayan pangunahin na sa Lalawigan ng Cagayan kung saan mayroon umanong tatlong bayan ang natukoy na areas of concern.
Kaugnay nito ay hinihintay pa rin ng COMELEC ang pinal na listahan ng mga lugar sa Lambak ng Cagayan na dapat matutukan at mabantayan ng mga otoridad ngayong 2022 elections.
Facebook Comments