Manila, Philippines – Kalaboso ang isang 26-anyos na holdaper matapos itong maaresto sa bahay mismo ng kanyang nobya sa Malate, Maynila.
Nakilala ang suspek na si Willyboy Almendrala na residente ng 1218 Meding Street, Malate.
Isang impormante ang nagbigay ng tip na namataan ang suspek na nasa bahay ng kanyang girlfriend dahilan para puntahan ng pulisya.
Naabutan pa ng mga pulis na nagpapahinga ang suspek kung saan itinuturing siyang na nasa top 6 most wanted person ng MPD Police Station-9.
Facebook Comments